Nanalo po tayong lahat!
16 May 2007
Home in Baguio City
Philippines
Sa aking mahal na kababayan,
Mula sa kahibuturan ng aking puso, MARAMING, MARAMING, MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGTANGKILIK SA AKIN AT SA MGA KASAMA KO’NG KANDIDATO SA ANG KAPATIRAN NITONG NAKARAANG MAYO 14, 2007 HALALAN!
Nanalo po tayong lahat!
Congratulations po sa ating lahat!
Ang ideya na dapat ibalik o ilagay ang Panginoong Diyos sa sentro ng politika at para sa pagbabago ay nanalo ng “landslide.” Wala itong kadudaduda. Dahil po sa inyong lahat, nagtagumpay ito, nagtagumpay kayo, nagtagumpay tayo!
Dapat lang, magdiwang at magsaya! Ngunit, hindi pa po tapos ang laban natin. Nagsisimula palang tayo.
Kailangan natin magpalakas, mag parami, at maghanda sa marami pang laban sa hinaharap.
Ngayon, tutukan natin ang darating na halalan sa barangay na idaraos bago matapos ang taong pangkasalukuyan, o kaya sa susunod na taon. Kailangan mas nakahanda tayo para dito.
Pasalamat din tayo sa Panginoon sapagkat dahil sa kanya nagkabuklodbuklod at nagkaisa tayong lahat sa pakikibakang ito.
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.
Mahal na mahal ko po kayong lahat tulad ng pagmamahal ko sa kaisa-isa nating Inang Bansang Pilipinas!
Ibibigay ko po ang lahat pati ang buhay ko sa matinding pagmamahal na ito.
Ang inyong kapatid,
JESS PAREDES
1 comment so far
Leave a reply
Sir, isa po ako sa bumoto sa inyo at kay Doc Martin at Sir Adrian noong Lunes. Malugod at bukas-loob ko pong tinanggap ang naging resulta ng halalan, dahil napatunayan po ninyo at ng iyong ka-partido na hindi kinakailangang gumastos ng milyun-milyon upang maipaabot ang inyong mensahe. Sapat na ang pagpapakita ninyo ng katapatan sa inyong prinsipyo at pinaninindigan.
Gaya po ng sinabi ninyo, simula pa lang po ito. Hayaan niyo po at sa susunod ay nandirito lang po kaming mga taga-suporta ninyo, handang tumulong upang ipalaganap ang butil ng pagbabago.
Mabuhay po kayo, at sana’y ipagpatuloy niyo po ang pakikibaka para sa pagbabago. Kaisa niyo po kami!